Wednesday, March 21, 2007

Lain na sad para naa moy daghang mabasa

Naiiyak kapag naaalala ka
Ang laging tinatanong ay "bakit nga ba?"
Parang naubos na ang lahat ng saya
Ni ang pagtawa ay hindi na kaya

Nahihirapan na ang puso kong ito
Mukhang ang pag-ibig ay wala na rito
Lahat ng galit at lungkot ay naipon
At kinikimkim pa rin hanggang ngayon

Sabi nila, makakalimutan ko rin
Ang lahat ng mga tinagong damdamin
Pero di alam kung anong masasabi
Siguro lahat na nga ay pakunwari

Kaya upang makalimutan ko na
Pinipilit na tumingin sa iba
Pero hindi makakayang kalimutan
At pababayaan nalang dumaan

(mas wala ni sense kaysa atong usa pero antusa nalang na oiez...)
( here is one of my nonsense. Pagtiyagaan niyo nang basahin..)

Bakit ba talaga ako ganito?
Palging nag-iisip sa iyo
Bukambibig ay laging ikaw
Tulog may ikaw and dinadalaw

Simula ng malamang may iba
Puso ko ay parang nadurog na
Laging may suot an pekeng ngiti
Upang sakit ay mawaglit sandali

Hindi man halata sa mukha ko
Pero puso ko ay laging nagdurugo
Hindi alam kung ano pang gagawin
Tadhana sigurong ika'y mahalin


(one of my hobbies is writing poems...I use it to express myself... Sa tanang na-igo..ok ra na oiez..naa pay ugma na muabot..makakita ra lagi mo og lain... KAto sang ganahan mag pahimo.. ad2a lang ko sa I-Bartlett basta di ko busy kay I'll make poems especially for you..) ;-)

Myspace Contact Tables
myspace layouts, myspace codes, glitter graphics